Sunday, August 15, 2010

flight rescheduled!

Wala akong tulog simula kagabi. Actually di naman ako ganun ka-excited umuwi ng probinsya, hindi lang din talaga ako nakatulog kasi kelangan 3m ay makaalis na ng bahay. 1am ang normal na tulog ko, so sabe ko,wag na lang matulog. (fast forward tayo), pagdatig sa airport, akala ko makakacheck- in kame agad. Pero "paso" na daw ang medical clearance ng tita ko. I tried my best to talk to appropriate personnel na nandun. Sabe 3months daw yun para masabing di na valid.sabe naman ng receptionist, 1week. ang gulo. (fast forward ulit) sa hinaba-haba ng usapan kanina, ayon wala din, di kame nakaalis. Kelangan kong bumalik para sa Doctor ng auntie ko para kumuha ng bagong medical clearance. Kelangan ko din bumalik agad sa airport para i-reschedule ang flight namen. Hopefully by Wednesday ok na.

Friday, August 13, 2010

Sandaling Paalam

Matagal na din akong di nakakapag-blog ulit.

Well, August 15,Sunday, 6:00am, pupunta ako sa Catanduanes, hindi para magbakasyon kundi para ihatid ang isang taong malapit sa akin, tita ko. May sakit sya at gusto nya ng magpahinga,ayaw nya dito sa Manila, ayaw nya na. Siguro sawa na rin sya sa ingay at gulo ng Manila (Quezon City). Syempre ano pa nga ba ang magagawa ko, mas gusto ko na rin na ihatid sya sa probinsya, doon kasi mas malalapit sya sa ibang kapatid nya. Doon maganda ang hangin, payak ang pamumuhay pero sigurado ako mas magiging maginhawa ang pakiramdam nya. Sana lang gumaling pa sya. Sana. I Love My dear Auntie. I always will.

Wednesday, July 28, 2010

sa SONA ni PNoy





Unang punta ko sa SONA ng Mamamayan na may dala akong camera.

Yung unang litrato, nagmamadaling pumunta yung bata satabi ng effigy ni PNoy, dala-dala nya na yung placard nya, hindi sya umalis doon hanggat wala syang nakitang mga photographers na kinukuhanan sya. Syempre, bakit ko nga naman palalampasin yung sandaling yun.

Yung pangalawang litrato, habang nakikinig sa SONA ni PNoy, nakita ko at kinuhanan ko ang mag-inang ito. Nakakatuwa yung bata, ayaw nyang bitawang yung placard nya. Sana sa panahong nag-aaral na sya, matupad na yung nasa placard nya.
(more photos of SONA 2010 @ http://www.flickr.com/photos/raybart/page2/)

unang blog

Unang blog ko to.

Actually, balak ko lang gumawa ng isang site kung saan malalagay ko ang mga kuha ko at ibang bagay pa, kasi puno na flickr ko, e wala naman akong pang-upgrade sa pro account.(^_^)

Ayan, sana magustuhan ko to at magustuhan nyo rin!